ADAPT
January 15, 2008ADAPT - to adjust oneself to different conditions, environment, etc.(www.dictionary.com)
Isa ito sa dahilan kung bakit maraming di nagkakasundo. Karamihan na kasi ay di marunong magadjust to different conditions, environment atbp as state above. Hindi sila marunong bumasa ng mga situwasyon. Kung sino at ano sila ay yun, as in yun na sila. Di sila marunong makiblend sa kanilang environment. Di ko naman sinasabi na pangit ang magpakatotoo. Totoo nga naman kung ano at sino ka yun ka na as in yun ka na. Pero di ba mas magandang mag adjust ka konti kung di na angkop ang iyong pagiging "totoo" sa sarili mo? May mga tao kasi na masyadong mataas ang ID nila or the "pleasure principle". They cannot delay gratification. Di sila marunong maghintay. Ang tanging gusto lang nila ay maGratify ang needs and wants nila at di na nila iniisip ang iba. Sila yung mga taong may "I-want-it-NOW" attitude. Kaya kadalasan kapag di nasunod ang gusto, nagkakaroon ng conflict sa mga kabarkada, classmates or officemates. Ito yung mga taong nahihirapang bumuo ng magandang relationship with others for they do not know how to ADAPT. Here are some tips from jalm kung kailan natin
kailangang magADAPT.
We need to ADAPT/adjust when:
1. ALL "AGAINST" ME!
Kung napapansin mo na medyo against na lang lahat ng classmates mo, groupmates mo, officemates or even mga kaibigan at mga kapamilya mo sa ginagawa mo or suggestions mo, kailangan mo na talagang magADAPT! Try mo munang iassess kung bakit sila ganun sa’yo, baka there’s something wrong sa personality mo. Then tingnan mo na kung ano sa personality mo ang ayaw nila or against sila. Even though you’re not born just to please THEM, di ba mas magandang mabuhay kung walang against sa’yo? Try mong baguhin yung part ng personality mo na yun at try to ADAPT sa environment. Kahit konting adjusment lang di ba?
2. O.P. ka LAGI!
Feeling mo ba lagi ka na lang Out of Place sa barkada, sa classroom, sa office atbp? Ehem, you need to ADAPT! Gaya ng nabanggit sa taas, change or atleast adjust nang konti. Dance with the music ika nga. Surely, di ka na "Out of PLace" lagi, magiging IN ka na rin sa barkada or sa classroom. Kahit konting adjustment lang di ba?
Ano, kailangan mo na bang mag adjust to ADAPT? We really need to adapt to survive and magfit sa environment kung saan tayo nabibilang (Darwin’s Theory of Natural Selection).
Laging tandaan: "Being yourself is good, but we need to adapt sometimes" (jalm, 2008)
Previous Comments
hmmmpf…..
totoo yan….
matamaan n ang matamaan…
hehehehe



kaya nga, ayaw patalo nung iba.
Posted by emo 101 at January 15, 2008, 6:39 pm