UNITED
February 5, 2008UNITED - to join, combine, or incorporate so as to form a single whole or unit. (www.dictionary.com)
Ok, gaya ng nirequest ng isa sa mga readers ng site na ito, eto na jalmzwords’ UNITED.
Bihira na yata ngayong mangyari ang sinabi ng dictionary.com about UNITED or unity. Iilan na lang ang nagcocombine ngayon to form a single unit. Ok let’s take this example, may isang section sa isang respetadong institusyon (di ko na sasabihin kung anong course hehehe) ang may uniform na sabi, UNITED. Wow, ang gandang uniform di ba? Well, napagalaman kong hanggang sa uniform lang pala. Bakit? Dahil ang section na ito
magkakaklase nga eh wala namang makikitang sign ng kahit kakaunting UNITY. Actually, marami nang nakapansin na mga teachers at pati ibang magaaral sa school na ito. Ang section na ito ay binubuo ng iba’t ibang grupo, syempre laging magkakasama ang mga magkakabarkada. Sa decision making nga within the class ng section na ito ay grupo grupo rin. "I like Green!" sabi ng isang grupo, "Red sa amin!" ang sagot naman ng isang grupo, "Sige lang, kahit ano na!" ang sabi naman nung isa. Wow! UNITED di ba?
Here are some thoughts from jalm kung paano natin masasabi na ang isang community, class or group ay UNITED.
They work as a Team!
Ang isang basketball team ay hindi mananalo kung isang player lang ang gumagalaw di ba? Gaya din ng walis, di siya makakalinis kung iisang tingting lang. Ganyan din ang isang grupo, kailangang UNITED siya. Gumalaw ka na di lang ang sarili mo ang iniisip mo, may mga ibang members ang group hindi lang ikaw. Walang mangyayari kung sarilinan ang mga actions natin. Kaya nga pinagpala tayo ng ability na makipagcommunicate di ba, para makipagcoordinate tayo sa ibang members ng group kung saan tayo nabibilang. Hay, kung nanonood lang kayo ng PBA, may isang team dun na sobrang lakas ng mga players, pero dahil nga sa walang UNITY, ayun tinalo ng isang team naman na akala mo’y wala nang pagasa kasi nailipat ng ang mga keyplayers nito sa ibang team. At alam niyo ba ang nagpapanalo sa team na ito? Ehem, alam mo na iyan. Naawatan yo? naintindihan niyo? Is it clear?
They work as a Family!
Wow ang drama naman nito, family daw oh! Pero tama nga naman ito. Kung ang trato mo sa bang members ng iyong group ay parang kapamilya mo o parang kapuso, matututo kang pahalagahan sila. Kung ang isang member ng group ay nagkamali, kung kaya pa namang maayos eh huwag na natin pang idiin pa ito. Huwag mo nang ipamukha sa taong ito na mali siya. Itrato mo siya as a member ng iyong family para magkaroon ka ng genuine care sa kaniya. Naawatan yo? Naintindihan niyo? Is it clear?
Avoid the "CRABS"!
Kabilang sa mga "CRABS" ang mga taong ayaw magpatalo at ang mga taong ang hangad ay ang ikababagsak ng iba at pinipigilan ang pagangat nito sa buhay. Masasabing ang isang tao ay nabibilang sa "CRABS" kung mukha siyang Crab ano pa nga ba! (hehehehe Joke lang)Ok, sa description pa lang ng mga "CRABS" ay makikita nang walang magandang maidudulot ito sa grupo. Bakit, ang tanging gusto lang kasi ng mga CRABS na ito ay pansiriling PLEASURE (read more about pleasure click here). So ano na ngayon ang dapat gawin sa mga CRABS na ito? Hindi naman sila pwedeng lutuin at ulamin (hehehe Joke ulit). Since UNITED nga ang group, huwag naman nating lutuin ang mga CRABS na ito. Pagsabihan na lang para sa ikabubuti ng grupo. Naawatan yo? Naintindihan niyo? Is it Clear?
At marami pang ibang signs ng mga group/class/community na talagang masasabi nating UNITED. Ok balik tayo sa section na sinasabi ko, well di naman laging watak watak sila. May mga times din na talagang UNITED sila. (Di pwedeng ilagay dito yung mga moments na UNITED sila hehehehe Joke ulit. Nakatatlo na akong Joke ha hehehe). Pero sa totoo lang nakakatouch at talagang iba ang section na ito pag UNITED sila. Pati pilay ay PAPALAKPAK sa unity nila!!!
Laging tandaan: UNderstanding Is The keY to UNITY!!! (oh yan ha nakaUNDERLINE pa para makita niyo ang Mnemonics hehehehe)
Previous Comments
kaya nga ang gandang tingnan ng section na yan pag nagunite sila. Sana nga lagi na lang silang united. Secret ang identity ng school na yan. hehehehe tnx for visiting!!!
Posted by jalm at February 8, 2008, 3:30 pm


true ka jan mr. jalm…….
well their will always a chance to change ryt? to achieve that unity….
im curious anong skol un!!???
Posted by avein at February 8, 2008, 3:07 pm