Look Closer. Think Deeper. Jalmz Words.

Home » Post Item » Dormant

Dormant

March 1, 2008

Dormant - in a state of rest or inactivity (www.dictionary.com)

(Kung mapapansin niyo ay red ang font natin ngayon, wala lang hehehe)

Ok going back to the word DORMANT or the state of inactivity. Ito yung mga time na wala tayong nagagawa. Yung tipong ang daming pwedeng gawin pero talagang kahit anong gawin mo ay wala ka talagang magagwa. Di ka naman tamad gaya ni jalm pero inactive ka. And I think naramdaman mo na rin yan. Gaya ngayon, ang tagal na wala akong post sa blog na ito, ang dami pa namang nag-aabang hehehe joke. Yung mga iba naman kahit malapit na ang deadline wala pa ring ginagawa. Bakit nga ba tayo nagiging DORMANT minsan? bakit? Bakit? Ok here are some insights from jalm kung bakit ang tao minsan ay nagiging DORMANT or inactive.

TIME

Hindi ito yung "Siesta Time" na kung saan nagiging inactive tayo ha, ang ibig sabihin ni jalm sa time ay yung tingin natin sa TIME mismo. Ano nga ba ang tingin ng mga tao sa TIME? Kadalasan, pag may mga projects tayo, thesis ganun o di naman mga kailangang tapusin na mga requirements na may deadline, feeling natin ay "matagal pa yan". "Kaya natin yan". "Sa katapusan pa ang deadline niya". Ganyan ang iba kung minsan, mahilig sila sa last minute na paggawa kaya naman kung malayo pa ang deadline di sila gumagalaw. Nagiging inactive sila. nagiging DORMANT.

DEPENDENCE

Kadalasang nangyayari ito pag may mga group projects. Siyempre di naman lahat ng members ay masisipag di ba? O kaya sabihin na nating masipag at responsible lahat ng members, pero di mo maiiwasan na may magiging dependent na member. ganito ang kadalasang line ng mga taong ito, "di na ako gagalaw andiyan naman si kwan". Oh di ba, may mga ganung tao? They’re too dependent. Actually ganun din si jalm, pag may responsible siyang groupmates hay naku di na siya gagalaw. Magiging inactive na. magiging DORMANT.

LACK OF MOTIVATION

Di lahat ng DORMANT ay tamad, may mga kulang lang sa motivation. Kahit sino naman di ba, kung wala ka talaga sa mood para magtrabaho, di ka talaga gagalaw. Pwedeng kinukuha ng mga taong toh ang kanilang motivation sa isang inspirasyon. Kung wala ang inspirasyon na iyon nawawalan sila ng motivation. Nagiging inactive. Nagiging DORMANT.

LACK OF ENERGY

Ang simple di ba? Wala silang energy. Pwedeng pagod ganun. Pwedeng gutom. Pwedeng may ginawa kaya walang energy (oops di pwede yun hehehe joke lang yun). Yung mga taong ito kung wala silang energy, nagiging inactive sila. Nagiging DORMANT.

LAZINESS

Sila yung mga taong tamad lang talaga. Forever na lang DORMANT. Sila yung laging inactive. Lagin walang energy, walang motivation. Laging DORMANT.

 

 Hay natapos din ang mahabang week na wala akong naipost hehe. Natapos na rin sa wakas ang state ng pagiging DORMANT. Kung tatanungin niyo ako kung paano ang gagawin para maiwasan ang pagiging DORMANT, well isa lang ang masasabi ko, maging busy ka. Wag mong hahayaan na wala kang ginagawa. Be productive. Iwasan ang pagiging inactive. Iwasan ang pagiging DORMANT.

 

Laging tandaan: "BE BUSY!!!"  (yun lang hehehe ang simple noh?) (jalm,2008)


Posted by jalmzwords at 2:01 pm | permalink

Add a comment