Review
March 18, 2008REVIEW - the process of going over a subject again in study or recitation in order to fix it in the memory or summarize the facts. (www.dictionary.com)
Medyo late man ang article na ito, ok lang sigurado naman akong konti lang ang n
agreview hehehehe joke.
It is one of the most difficult part of student’s life. Why? Kasi nga magbabasa ka ng napakakapal na book para sa iyong exam. Yung iba pa nga yung sarili nilang notes ang binabasa, ok lang kung kasing ganda ng sulat ni jalm ang sulat mo hehehe joke. Paano ba ang dapat na pagrereview? Kailan ka dapat magreview? Ano ang irereview? O magrereview pa ba ako? Yan ang mga tanong na sasagutin ni jalm sa article na ito. Here are some tips from jalm kung paano ang tamang pagrereview.
P.S. (Pre Script hehehehe!!!)
Ang mga nakalagay dito ay effective para kay jalm, ewan ko lang sa inyo. Try niyo para malaman niyo.
Listen Carefully!!!
Ito ang first step sa list ni jalm. Listen!! Kapag namaster mo ito, malaking tulong ito sayo. The best time kasi para magreview ay hindi a day before the exam kundi sa mismong araw ng discussion. Makinig ka na lang nang mabuti sa lecturer, jot down notes kung gusto mo. Ang iba nga, they don’t need to write eh kasi they’re good listeners. Pero dapat huwag lang listen nang listen, dapat intindihin mo kung ano ang pinapakinggan mo. Im sure pagdating ng examination day, kahit konti lang ang nireview mo may maalala ka. Kung wala, ehem ehem don’t blame jalm hehehehe.
Mind Conditioning!!!
Nasa lecture proper pa rin tayo. Actually di ko rin alam kung ito ba ang dapat na first step. Anyway, mind conditioning is setting up the mind. before the lecture or kahit anong activity, dapat nakaset ang utak mo na ganito ang gagawin ko. Sabihin mo sa utak mo na ganito ang gawin mo. Yung tipong iisipin mo na "kaya ko ito, interesado ako dito, gustong gusto ko ito". Arouse your interest kumbaga. What you perceive is what you achieve. Pero kung talagang ayaw macondition ng mind mo, ehem ehem don’t blame jalm hehehehe.
Right Time!!!
Walang nakakaalam ng best at right time for you to review kundi ang sarili mo rin. Yung pinakaconducive ang learning for you kumbaga. Sigurado akong naranasan niyo nang antukin tuwing nagbabasa kayo, ang pinakamagandang gawin dito believe it or not, ay matulog. Yes, mas magandang matulog ka na lang. Hindi yun ang right time ibig sabihin. Usually kasi, nagbabasa ako ng notes ko sa gabi before ako matulog (yun ang pampatulog ko hehehehe) and then maaga akong nagigising para magbasa. Yun ang Right Time for me. Kung di mo mahanap ang Right Time mo ehem ehem don’t blame jalm hehehehe.
Know Your Enemy!!!
Di po ito yung kalaban, what I mean sa enemy ay yung teacher na magbibigay ng exam. Importante na kilala mo siya. Kilala mo dapat kung paano siya magbigay ng exams at quizzes. For me, ang pinakamahirap na exam ay yung unang exam, yung first time mong magexam sa teacher na iyon. Yun ang pinakamahirap para sakin. Bakit? Siyempre wala kang idea kung paano yung exam, kung paano yung style niya sa pagbigay ng exam. Right? So you should know your enemy first. Kung di mo siya makilala ehem ehem don’t blame jalm harhar.
Analyze Don’t Memorize!!!
Ito na siguro ang pinakaimportante sa lahat ng step. Konti lang kasi ang may kakayahan dito (hehehehe di ako kasali dun hehehe). Karamihan kasi kabisado na ang laman ng book, ang galing di ba? Pero pagdatin sa exam, binaliktad lang ang ibig sabihin nung word nawala na. Why? Kasi nga wala yun sa minemorize niya. Gets? That’s why it’s better to analyze than to memorize. Kasi pag naanalyze mo na yung isang concept, kahit baliktarin man ang mundo, makukuha mo. Believe me hehehehe. Pero kung ayaw pa rin ng analysis pati na rin ang memorizis hehehehe joke, ehem ehem don’t blame jalm hehehe.
Pray!!!
Heto na ang huling solusyon kung di mo magawa ang mga nasabing tips sa pagrereview. Magdasal ka!!! Bahala ka na kung anong hihilingin mo sa Kaniya. Basta Don’t Blame Jalm hehehe.
Don’t Cheat!!!
Di po ito tip ha, paalala lang hehehe. Huwag magcheat!!! Be Honest hehehehe!!!
There are different types of learners. Sabi ko nga sa PRESCRIPT(P.S.), ang mga tips ni jalm ay effective lang sa kaniya. Try niyo rin ang mga iba. Ang importante ay it fits your learning style. Okidoki Good Luck sa Examinations niyo!!!
Laging Tandaan: "Don’t Just Memorize, ANALYZE!!!" (jalm,2008)
Previous Comments
tinatamad akong mag review lalo na pag nakikita kong marami ang e rereview hehehehe..ask ko bakit ako ganito tinatamad.pero pagdating naman sa exam di naman ako bumabagsak.inaanalyse ko lang.hehehe.
Posted by william at February 2, 2009, 10:28 amactually karamihan ng students hehehe eh tinatamad talaga sa pagrereview aminin na natin yun, at kabilang na ako dun hehehe. and about naman sa pagpasa mo sa mga exams, to tell you the truth eh more on analysis talaga. may mga students na ang galing magreview or magmemorize pero pagdating sa exam kinukulang sa analysis. kadalasan ang reason sa pagbagsak eh hindi dahil sa di mo alam yung tanong kundi di mo maintindihan yung tanong. di ba?
enweiz, gudlak sa mga exams mo william and thank you sa pagvisit!!!
*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by jordan shoes at December 29, 2010, 9:16 amThe ugg boots sale can be found if you are willing to look for winter boots. Because the look and feel of ugg hannen uk are quite fashionable right immediately. Add to this is Ugg boots selling season. If you simply have to have a pair of Ugg boots women right now, the merely thing you can truly do. Check out the appropriate deals on ugg boots actuality.What means is that right now, ugg women boots may be difficult to find. In a few weeks, UGG BOOTS Hannen, principally if stores are not approaching their sales rations. Plus, waiting for these Ugg boots uk UK online.
Posted by men ugg Boots at December 21, 2011, 5:30 pm


thanks po,, hope I can make it this time
Posted by eol at September 3, 2008, 10:26 pm