VACATION
June 10, 2008VACATION - a period of suspension of work, study, or other activity, usually used for rest, recreation, or travel; recess or holiday
Well, it’s been a while since my last post here at jalmzwords. Parang nakalimutan ko na nga ang pagpopost eh hehe. Well, alam kong halos lahat sa inyo ay nagkaroon ng vacation this last summer. Siyempre karamihan diyan eh mga students. Siyempre kahit ang jalmzwords eh nagkaroon din ng vacation. Nagpahinga muna kumbaga. Pero kung sa akala niyo ay dahil lang sa maintenance or whatsoever pa na kaekekan ng mga sites ang dahilan kung bakit nagbakasyon ang jalmzwords eh nagkakamali ho kayo. Kasi nga naman di lahat ng nagbakasyon ay nagkaroon talaga ng bakasyon. Parang ang gulo nun ha? Well, ganito yan. Last summer, di ko naiupdate ang blog ko dahil medyo naging busy ang sched natin. Halos wala nga akong vacation eh. We have so many activities sa school namin last summer. First, nagkaroon kami ng summer class as a part ng aming curriculum as Nursing students (oops nasabi kong Nursing student ako, buking na ako! hehehe). Opo, gaya ng nasabi ko ay Nursing student nga ako. Well, ipagpatuloy nastin ang kwento. Anim na linggo yung class namin, so ilang months na rin yun. May duty pa kami that time sa mga special areas ng mga hospital. (Sa Delivery Room at Operating Room ako naassign) Sa awa naman ng diyos eh nakumpleto ko yung 5 Major Cases na requirements namin.
Nakakuha rin ako ng Iisang Minor Case sa last day pa namin. Tsk tsk ang saklap ng kapalaran ko noh? Then next shift namin sa Delivery Room naman kami, wow magpapaanak na kami sa wakas!!! Pero sa kasawiang palad, wala man lang nanganak sa 3 weeks na duty sa DR. Tsk tsk mas malas ako this time. Oh yan parang ganyan ang nangyari sa 6 weeks na summer class namin. Talagang natoxic kami that time, 2 days na lecture na 8hours per day at 3 days na duty sa hospital. Damn, sino ba naman ang di matotoxic dun! Pero enjoy naman hehehe, ganyan talaga ang nurses, they work under pressure!
Then after ng 6 weeks na klase, may next ulit! May 5 day seminar kami about Disaster Preparedness. Wow matindi toh noh. Kahit 5 days lang siya eh parang yung 6 weeks na summer class din namin. Here’s the summary of what we did on that seminar.
DAY 1
Excited ako sa first day namin. Di lang dahil sa seminar kundi namiss ko rin kahit pa’no yung mga classmates ko. Yung topic namin eh about Emergency preparedness. Tinuruan kami sa mga pwede naming gamitin in case of emergencies. Mga simpleng gamit lang ang mga toh, yung mga gamit lang na dala mo araw-araw. Grabe ang galing talaga, di mo aakalaing ang mga gamit pala na mga yon ay pwede nang ipangsave ng buhay. Di ko na sasabihin ang mga yun okies hehehehe (magseminar din kayo! heheheh). Then may activity rin kami na “Animal Sounds”. Nakablindfold kaming lahat (we’re about 50 in the group) then bawat isa sa amin ay may mga nakaassign na hayop na dapat gayahin yung mga sounds. Hahanapin mo yung groupmates mo by either producing the sound or just by listening to it. Ang saya nun kasi ang ingay ng grupo, iba ibang hayop ang naririnig mo. Nagkataon naman na “Goat” yung napili kong animal. Sa awa naman ng diyos eh nahanap ko ang mga kapwa ko kambing hehehe. Sa afternoon session namin eh tungkol sa CPR na kaya medyo madugo ang naging kapalaran namin. Enjoy yung first day namin promise!
DAY 2
Wait lang at inaalala ko yung Day 2 namin. Uhm, ano na nga ba yung ginawa namin? Ahh alam ko na! Nag-ECG reading pala kami. Ang hirap grabe pero ok lang kasi natuto naman kami. Walang masyadong kwento sa morning session except sa isang classmate namin na naginterpretative dance ng “With You” ni Chris Brown hehehe. Sa afternoon session naman eh about sa paglagay ng bandage at mga dressings. Nagpanggap pa ako na victim that time. Konti lang ang enjoyment namin sa 2nd Day.
DAY 3
Heto na ang pinakamadugong araw namin. Sa mornign session namin eh talagang madugo, as in madugo talaga. Parang nasa totoong emergency scene kami kasi may mga clasmate kami na nagpanggap as a victim. Siyempre with matching dugo dugo pa at mga props na parang totoo. May mga nasaksak sa kamay at dibdib, naputulan ng paa, lumabas na bituka atbp. Wow talagang madugo yun at exciting! Ang talagang ikinaganda nun eh ang pagpapahid ng mga mababait naming mga victims ng mga dugo sa mga rescuers. Ang babait talaga nila kasi lahat ng recuers ay papahiran nila ng dugo. Siyempre di ko hinayaang mabahiran na lang ako ng basta basta hehehe hinawakan ko yung kamay ng patient ko hehehe eh di di siya nakapalag bwahahahaha. Ang saya ng morning session namin. Sa afternoon naman eh about sunog naman. May drill kami na nakabilndfold kaming lahat at bababa kami mula sa 2nd floor ng building na nakaupo at kakapa-kapa . Di lang yun,nakakalat pa yung mga upuan sa harap namin at marami pang mga bagay para maging sagabal lang sa daan namin. Enjoy naman kahit pa’no.
DAY 4
Parang last day namin toh kasi sa 5th day eh graduation na lang ang gagawin. Sa morning eh nagAnti-Terrorism lecture and drill kami. Tinuruan kami ng mga basic moves about self-defense at mga paraan ng pagtakas. Talagang physical yung session na yun. Sa afternoon eh parang nagunwind lang kami. Nagkarron kami ng debriefing session kung saan nagsilabasan kami ng mga hinanakit namin. Joke, hehehe parang nagkwentuhan lang kami about our experiences. Para raw maprevent ang “post-traumatic event” whatsoever sa amin. Well, enjoy pa rin naman kahit pa’no.
DAY 5
Last day ng seminar. Exam namin sa umaga, as usual nalate na naman ako. Tsk tsk tsk, pero umabot pa naman ako kahit pa’no. Tapos sa hapon naman eh yung graduation namin. Yehey graduate na kami!!! At dun na nga natapos ang lahat. Sa seminar na yun talaga kami nagenjoy!
DAY 5.5
Well, di na po ito part ng 5 day seminar namin pero gusto o lang ishare hehehe. Ganito yun, after ng graduation namin ng hapon eh dapat uwian na di ba? Hehehe pwes, kami hindi pa. Nagtrip yung barkada namin na “Wheelz Wheelz” ang name! (Huwag niyo nang tanungin kung n=bakit ganun yung name hehe). Tumambay lang kami sa waiting shed ng school at nag-abang ng mga kakilala at pati na rin mga teachers. Grabeng trip talaga toh. hehehe. Nangikil lang naman kami sa mga nakita namin hehehe, pero di naman yung pwersahan ha baka isumbong niyo kami hehehe. At ganun na nga, ibinili namin ng miryenda yung perang naipon. Hehe yun lang!!!!
In short po, naging busy po ako kaya di ko naiupdate itong blog! hehehe Churi!
Well, ganun yung ngaing tagpo ng aking madugong bakasyon. Kung ako ang tatanungin niyo, nag-enjoy naman ako kahit walang beach at kung ano pa man sa summer vacation ko.
KAW PA’NO NAMAN YUNG VACATION MO? <”,><
Previous Comments
hey tell us more about your vacation!
Posted by jalm at June 11, 2008, 5:53 pmhello, i’ve been visiting this site for a long time but its my first time to comment. can i know your identity? i can’t believe a writer good as you is not a member of lorma highlights.
“Some are meant to be known,
some are remembered,
some are forgotten.
And some are gone, yet, they’re still UNKNOWN”
it struck my heart……………
nimbuscloud_27@yahoo.com.ph
tnx man! basta tawagin mo na lang akong jalm! actually matagal ko ng nagawa yung poem na yan at “unknown” din yung name na ginamit ko sa “Sulat-Kamay 2″
about sa pagiging staff ng LH? uhm di na yata ako aabot sa entrance exam eh, may duty kasi ako sa mga tym na yun.
BTW tnx for visiting man, pacnxa na kung di ko na masyadong nauupdate ang site na ito, medyo busy kasi ang sked.
more articles are coming soon so keep in touch!
thanks!
Posted by jalm at July 1, 2008, 12:58 pm



Arrrgh. I had a sucky vacation. Yours rock!
Posted by Ade at June 11, 2008, 11:41 am