Look Closer. Think Deeper. Jalmz Words.

Home » Post Item » OPPOSITE

OPPOSITE

July 18, 2008

Opposite - contrary or radically different in some respect common to both, as in nature, qualities, direction, result, or significance (www.dictionary.com)

 

 Lahat ng bagay ay may kabaligtaran or opposite! 

Wala lang, naisip ko lang hehe, pero I think tama naman siya. Matagal ko nang gustong ipost itong naiisip kong topic na ito eh kaso wala lang talagang time. Ngayon eh medyo free from a hectic schedule at medyo walang laman ang Internet Room hehe.

 

Ok, let’s start. Kung titingnan niyo ang paligid (ang daming basura di ba? hehe pero di yan ang sinasabi ko ehehe) ang daming mga bagay na in some way eh magkasalungat, magkaopposite o ano pa mang tawag dun. Mga common na example diyan eh, girl=boy, hot=cold, yin=yang, pangit=maganda, bading=tomboy hehe, matalino=masipag hehehe, at marami pang iba na alam kong alam niyo na alam niyo ang mga iyan. Anong gusto kong sabihin dito eh, lahat ay may kasalungat. Pwedeng ikaw mismo ay may kaopposite na isang tao, di mo lang ito napapansin minsan. 

 

Actually dahil sa idea na ito ay naisip ko rin ang “Law of Attraction”. Wow, parang physics noh? Pero di iyon ang pag-uusapan natin, ang boring kaya nun hehe. Naniniwala ako sa saying na “Opposite Attract”, ngayon may idea na kayo kung bakit magnet ang picture natin ngayon hehe. May theory ako na ang “Soulmate” mo kung naniniwala man kayo dun, o yung “Destiny” mo (nakz ang korni hehehe) ay “Opposite” mo in some way. Di naman sa lahat ng bagay ay opposite kayo, yung ilan lamang. Kung talkative ka pwedeng tahimik lang siya, kung gimikero/gimikera ka pwedeng siya naman ay uhm laging nasa bahay lang ganun. Gets mo? Basta may mga bagay na di kayo magkasundo. And I think yun ang reason na talagan bagay kayo sa isa’t isa hehehe. Ngayon alam mo na na di lang sa gobyerno may opposition, pati sa love hehehe. Kahit sabihin ng dictionary.com na ang ibig sabihin ng opposite eh “incompatible”, mali sila kasi for me swak na swak ang magkasalungat hehe.

 

Totoo man itong theory na ito o hindi. Salungat ka man o hindi. Naniniwala ka man o hindi, wala ka ng magagawa kasi naipost na hehe.

 

 

“They’re Opposite, yet, they’re so Sweet” (korni kowtz hehehe) 

 

 


Posted by jalmzwords at 11:22 am | permalink

Add a comment