PERFECT
July 18, 2008Perfect - entirely without any flaws, defects, or shortcomings (www.dictionary.com)
Alam niyo, naisip ko itong topic na ito nung tumingin ako sa salamin. (wahahaha feeling hehe)
Ganun talaga, di naman masamang purihin minsan ang sarili at ang mga “Creations” ng Diyos. Ikaw naisip mo rin ba na “Almost Perfect” ka, or “Almost An Angel”?
Siguro ilan sa atin, madalas maisip ang mga iyan hehe. Pero kung titingan talaga natin noh, talagang karamihan sa ATIN (ehem ehem, pasintabi po sa mga kumakain hehehe), eh Almost an Angel talaga. Yung iba nga, halos lahat eh meron na sa kanya, pera, mukha, talino, talents atbp. Pero napag-isipisip ko rin (nung nasa salamin pa rin ako hehehe) na di talaga pwede, talagang di tayo perfect. Kaya nga Almost an Angel lang tayo hehe. Here are some of teh reasons why:
Human Nature
Let’s admit it, tao lang tayo. May imperfections, nagkakasala. Di na dapat pang ielaborate pa di ba, tao lang tayo tao lang hehehe.
Limitations
At dahil nga sa tao lang tayo ay may mga limitations tayo. Buhay nga natin eh limited di ba? Kaya nga di tayo perfect, Almost an Angel lang tayo hehehe.
Flaws
Kasama na dito yung gma pangit na features natin like: pimples, kuliti, almoranas at iba pang mababaho at kakadiring sakit o condition na meron tayo. Kaya di tayo perfect. Pero kung iisipin mo kung wala ang mga iyan, Angel na tayo hehehe. Pero dahil nga sa may mga Flaws tayo, Almost an Angel lang hehehe.
Yan yung mga ilang rason kung bakit di tayo perfect. Actually marami pa pero dahil nga sa Almost an Angel lang ako eh di ko na naisip yung iba ehehe.
Pero sa totoo lang eh, yung mga Imperfections natin, yun yung nagpapaganda ng takbo ng buhay natin. Isipin mo na lang kung walang pangit or lahat ng tao eh perfect di ba? Ang boring hehehe. Kaya dapat magpasalamat tayo at pangit tayo, pasalamat at imperfect tayo hehehe. Ipagbunyi ang pagiging PANGIT hehehe. Kaya naman ang ilan eh nagCOMPENSATE (ehem may article ako tungkol sa topic na iyan hehehe) na lang sa mga Imperfections nila. Basahin niyo na lang yung COMPENSATION na article din dito for more info hehehe.
At yun na nga, nung narealize ko na di tayo perfect eh nilayuan ko na yung salamin. At siguro matatagaln pa bago ako haharap ulit dun. (ang sakit sakit kaya ng katotohanan kung minsan hehehehe)
“ALMOST AN ANGEL!”




nice topic..,!
Posted by lina at July 19, 2008, 2:45 pm