Look Closer. Think Deeper. Jalmz Words.

Home » Post Item » INHIBIT

INHIBIT

July 20, 2008

Inhibit -  limit, block, or decrease the action or function of (www.dictionary.com)

 

Wala namang special na reason kung bakit gagawin itong article na ito, as in wala lang hehehe. Trip ko lang talaga.

 

Ok, let’s begin. May narinig kasi ako, yan mahilig kasi ako sa mga tsismis tsismis hehehe. May isang school (di ko na sasabihin ang name hehehe), at isang student publication (siguro tawagin na lang nating “Light House” ang student publication na ito hehehe.). Ok ganito kasi yun, nagrelease ng kanilang monthly issue ang “light house” eh di siyempre excited ang mga students na kumuha ng kanilang mga copies. Ngayon di ko lang alam kung mas excited pa ang mga “Superiors” ng school na yun kasi nabasa din nila (and i think mas nauna pa sila hehehe) ang monthly issue na yun. At yun nga di yata nila nagustuhan ang laman ( or siguro ang grammar, o kaya ang color, o di kaya yung frontpage o basta may di sila nagustuhan dun hehehe) at pinigilan nga ang pagdistribute ng tabloid este ng monthly issue pala (kamuntik na hehehe). Ngayon may idea na kayo kung bakit “Inhibit” ang title ng article natin ngayon hehehe. Ang pinagtatakahan ko lang eh kung bakit nila pinigilan ang distribution ng mga ito. Bakit kaya? UHm kung ayaw nilang magbigay ng sagot eh, let’s make our own hypothesis na lang di ba? Total this will be proven pa lang naman hehehe. So lahat ng mababasa niyo dito ay mga hypothesis ko lang, therefore, prove niyo na lang kung tama ba or hindi hehehe.

Here are some of my hypothesis kung bakit nila pinigilan:

 

ANXIETY (The Fear of the “UNKNOWN”/”KNOWN”)

Di ko lang sure ha, pero I think may kinakakatakutan ang mga Superiors na mga yun kaya nila pinigilan. Yun naman ang common na rason kung bakit mo pinipigilan ang isang tao na magsalita di ba? Ano pa nga ba? Kaya naman ang mga Superiors ay may ANXIETY. At di ko rin lang din sure kung “Unknown” ba ang mga ito, o kaya naman eh “Known” meaning, alam nila ang kinakatakutan nila. Uhm Ano kaya yun? Uhm. What do you think? 

 

OVER REACTION TO A STIMULUS 

Di kaya nasobrahan lang nila ang reaction nila? Mas nagiging obvious na yan na may “Anomalya” nga. And because of this, nagkaron ulit ako ng hypothesis na isa hehehe. Na “Known” nga sa kanila ang Fear nila. What do you think?

 

TO HIDE SOMETHING 

Yan na, papasok na ang “Faucet” na picture natin dito hehehe.  Siguro nga eh may tinatago sila, Uhm ano kaya yun? Alam ba nila ang mga tao ay Natural na Curious or sa mas magandang term eh, tsismoso at tsismosa ang mga tao kaya kahit ano pa amn ang tinatago eh lalabas ang mga yan, lalo na kung “mabaho” di ba? Gaya rin ng faucet, habang pinipigilan mo ang flow ng tubig eh lalo itong lumalakas, lalong lumalakas yung pressure nito para lang makalabas. Minsan pa nga tumatagas na sa gilid or sa itaas di ba? So now, akala ba ng mga Superiors na yan eh mapipigilan nila ang mga students na kasing Tsismoso/Tsismosa ni Boy Abunda. HINDI!!! Lalo niyo lang pinapataas ang mataas nang Curiosity nila. Right? Tama di ba? (Ay di pala hypothesis lang pala ito hehehe churi!)

 

HIGH STANDARDS 

Ay eto siguro yung main reason kung bakit napigilan ang monthly issue ng “Light House” hehe. Alam niyo kung ano? Ito hindi na siya hypothesis ha, totoo na talaga siya. Di pumasa sa taste nila ang issue. Alam niyo namang “bata” pa ang mga Superiors kaya yun di nila nagustuhan ang design ng tabloid este monthly issue pala ng Light House. And I think yun talaga ang rason eh. Di ba? Wala naman silang ANXIETY, wala naman silang TINATAGO, at TAMA lang ang ginawa nila, di siya OA kumbaga.  HEHEHE

 

Sana ay may napulot na naman kayong aral sa jalmzwords hehehe. Yan lang naman ang tanging hiling ko eh habang sinusulat ko ito, ang makapult kayo ng aral hehehe.

 

Sabi nga ng Header ko:

“LOOK CLOSER, THINK DEEPER, JALMZWORDS!” 


Posted by jalmzwords at 9:39 am | permalink

Add a comment