Look Closer. Think Deeper. Jalmz Words.

Home » Post Item » WHY SO SERIOUS?

WHY SO SERIOUS?

August 3, 2008

Smile - to assume a facial expression indicating pleasure, favor, or amusement, but sometimes derision or scorn, characterized by an upturning of the corners of the mouth. (www.dictionary.com)

 

Nanood ako last Friday ng The Dark Knight! Di ko masyadong naintindihan ang pangit kasi ng boses ni Batman eh hehe. Pero gusto ko yung line ni Joker dun na Why So Serious? Oo ng naman bakit kasi napakaseryoso mo? Hehe. May kwento eh behind the “smiling” face of Joker. 

Noong bata daw siya eh nakita siya ng tatay niyang lasing (di ko sure ha hehehe) sa may kusina. Tapos ang sabi daw ng tatay niya sa kanya eh yun nga, bakit siya seryoso. Kaya ang ginawa ng tatay niya eh hiniwa ang magkabilang side ng mouth niya na parang nakaSMILE na siya. (Tingnan niyo na lang sa picture hehehe). At ganun nga nahiwa na ang cheeks ni Joker, ang sad di ba!

Ang nagustuhan ko sa kwentong yun eh kailangan pa bang sugatin tayo ng iba para magSMILE lang tayo? Kailangan pa bang tumulo ang dugo sa ating makikinis na mukha para lang ipakita ang ating SMILE. NapakaIronic isiping ang isang Joker gaya ni Joker (uhm parang ang gulo hehehe) eh di marunong magsmile. So next time, huwag ka ng masyadong seryoso, sige ka baka magaya ka kay Joker hehehe.

Well, nagresearch ako ng ilang benefits ng SMILE. Ano nga ba yung naidudulot nito. Narito ang 10 reasons kung bakit kailangan nating magSMILE (from www.longevity.about.com)

 

1.Smiling makes us attractive.

Yan ang dapat gawin ng mga taong di masyadong uso ang mukha ngayon (meaning di ganun kagandahan hehehe). Totoo nga naman, ang taong sobrang ganda kung di naman marunong magSMILE, maganda pa rin hehehe Joke, ay di masyadong attractive. Kaya naman lagi na akong nakaSMILE para naman kahit di masyadong uso ang mukha ko eh attractive naman hehehe.

2. Smiling Changes Our Mood

Kung badtrip ka pilitin mo lang ngumiti, promise para ka nang baliw hehehe joke. Kung gusto mong mawala ang bad mood mo isa lang ang gagawin mo, smile! Tawanan mo ang problema dudez hehehe.

3. Smiling is Contagious

Kaya pala lahat ng makasalubong ko ay nakangiti rin hehehe. Nakakahawa daw ang smile. Opo totoo po yun, nakakahawa ang smile gaya din ng paghikab, pagtanggal ng muta, pangungulangot hehehe atbp. Kaya kung gusto mong nakaSMILE lahat ng tao kahit na mga bungi, just smile. Dont worry kahit contagious siya eh di naman nakakamatay hehe.

4.Smiling Relieves Stress

Sabi nga sa una kanina, tawanan lang ang problema. Stress ka ba, smila lang dudez para mabawasan ang mga pimples at kulubot sa mukha hehehe. Pagod galing sa work, smile lang nakakawala ng pagod at stress yan, huwag lang Smile ang pansweldo sayo ibang usapan na yun hehehe.

5.Smiling Boosts Your Immune System

Yan medyo health related naman. Ibig sabihin pag nakaSMILE ka, it will help you fight kung anumang sakit meron ka. Siyempre naman no, may sakit ka na nga at Serious ka pa, tsk tsk ano na lang mangyayari sayo. So dapat kung wala kang pambili ng gamot, smile na lang hehehe.

6. Smiling Lowers Your Blood Pressure

Aww, bagay ito sa mga seksing chubby jan hehehe. To avoid stroke or kahit anong sakit mula sa Hypertension, smile lang!

7. Smiling Releases Endorphins, Natural Pain Killers and Serotonin

Aww, pano ko iexplain ang mga terms na yan tsk tsk. Copy ko na nga lang : Studies have shown that smiling releases endorphins, natural pain killers, and serotonin. Together these three make us feel good. Smiling is a natural drug. Oh yan na yun hehehe.

8. Smiling Lifts the Face and Makes You Look Younger

Siguradong malulugi si Vicky Belo dito. Kung lahat ng tao nakaSMILE lagi walang mukhang matanda na gaya ng maraming tao ngayon sa campus (oops wala akong binanggit na school hehehe). Kaya naman, only Smile touches my skin, who touches yours. hehehehe

9. Smiling Makes You Seem Successful

Sa wakas 9 na hehehe. Kapag nakaSMILE tayo parang ang confident natin. Kaya nga ang taas ng tingin nila sa Lorma di ba dahil sa Lorma Smile (ooops nasabi ko na tsk tsk). So kung feel mo nawawalan ka na ng tiwala sa katabi mo este sa sarili mo pala, just smile!

10. Smiling Helps You Stay Positive

Wala na akong masabi pa sa #10 so copy ko na lang ulits : Try this test: Smile. Now try to think of something negative without losing the smile. It’s hard. When we smile our body is sending the rest of us a message that “Life is Good!” Stay away from depression, stress and worry by smiling. Totoo nga naman, try niyo para mapatunayan niyo hehehe.

 

At natapos ang 10 Reasons, sana nakaSMILE pa rin kayo habang binabasa ito hehehe.

Bumalik tayo sa The Dark Knight, sayang at di na natin makikita ang smile ni Joker(Heath Ledger). Ang bata naman kasi niyang namaalam. Sir san ka man, para sayo ang article na ito.  

 

 

 

 

 


 


Posted by jalmzwords at 5:28 pm | permalink

Previous Comments

galing ng performance ni Joker sa Dark Knight!

Posted by diakojoker at August 8, 2008, 12:55 pm

Haha. Ngayon ko lang napanuod ang The Dark Knight! Pero I must say it has a very interesting storyline. Even if medyo malikot yung camera. I love the scenes esp the one with joker running out of the hospital! I’ve always been a batman and spiderman fan. Ang galing ng acting ni Heath Ledger dun. :) Sayang siya. May he rest in peace.

Posted by Iris at October 18, 2008, 2:40 pm

Add a comment