Look Closer. Think Deeper. Jalmz Words.

Home » Post Item » MOVE

MOVE

August 21, 2008

Move - to take action; proceed.(www.dictionary.com)

 

Kahit bumabagyo sa labas andito pa rin ako sa favorite unit ko sa Internet Room, ang Lib. 35 hehehe. Actually di ko alam kung umuulan pa sa labas, pero I think Signal #1 na lang eh so may klase na. Ok, let’s start. Wala namang kinalaman ang bagyo sa pag-uusapan natin ngayon, actually last week pa sana ito kaso medyo tinamad kaya yun ngayon lang ulit ako nagpost.
 

Sumali kasi ako ng Chess Tournament sa school Intrams namin last week, at medyo uhm, basta sumali ako hehehe. Kaya naman related dun ang post ko.

 

Move, to take action or proceed. Wow, ang gara naman hehehe. Initially sa larong chess you have more or less 28 options para sa first move mo, uy magbibilang na yan hehehe. At sa mga options na yun eh pipili ka ng move na gusto mo. Some are good at some are sabihin na nating di kagandahan. Kaya naman ang larong chess ay game ng mga mahilig sa decision-making. At tungkol diyan ang pag-uusapan natin, about decisions. Sabi nila ang chess daw eh para sa matatalino lang, ang akin naman eh bakit ako naglalaro kung para sa matatalino lang yan hehehe joke. For me ang chess ay game ng mga madidiskarte ehem ehem (player ako playe ako hehehe). Kasi nga ikaw ang didiskarte para manalo. Ikaw ang gagawa ng Move, ikaw ang gagawa ng decision.

 

So paano natin mairerelate yan a buhay natin. Siyempre decision-making yan so madali lang isipin ang relationship di ba? Ganito, related ang chess sa buhay natin dahil sa maraming rason. First, sa chess ikaw ang dumidiskarte, kahit sabihin pa nating may mga friends tayo at family, ang buhay natin ay nakasalalay sa bawat Move na gagawin natin.  Everyday lang 28 moves ang options natin. Kung tutuusin every seconds eh gumagawa tayo ng moves, pwedeng good move ito or bad. Pwedeng ikapapanalo natin ang mga move na ginagawa natin or pwede tayong maCheckmate! Aww patay hehehe. Therefore, araw araw eh parang nakikipaglaro lang tayo ng Chess kay God at ikaw ang bahalang dumiskarte para manalo ka sa Chess ng buhay mo.

 

In every Move na gagawin natin ay nangangailangan ng isang Sound Judgement at Decision-making. Sa Chess kasieh ako yung tipo ng player na di nakapaghihintay, gusto ko mabilisan, ayoko ng opponent na mabagal magmove kakaboring, pero kabaligtaran naman sa real life, ako naman yung tipo ng tao na nakapaghihintay kahit ilang oras pa. Ok balik tayo sa Move Move na yan hehehe. Ano bang nangyayari sa every move natin. Ano bang meron sa mga Move natin? Ano ba ang dapat nating gawin para makagawa tayo ng good move? Here are some insights from jalm:

Have Faith 

Wow, napakareligious naman hehehe. Totoo nga naman, in every move you take, you should have Faith. Di yan dapat nawawala. Faith saan? Faith sa guidance ng coach natin sa Chess, si God.

 

Have Hope 

Ay, parang religious pa rin hehehe. Di rin yan dapat mawala sa atin. Last week nga eh kamuntik na akong natalo pero di ako nawalan ng pag-asa. Lumaban ako na may Hope sa heart at yun Talo hehehe. Di talagang importante talaga ang hope. Hope ba saan? Hope na sana yun nga good move yung magawa mo at sana di matalo gaya ko hehehe.

 

Take the Risk 

Yan na! Siyempre in every move we take, may mga consequences ang mga yan. So dapat handa kang harapin ang mga ito. Whether good or bad dapat ay harapin mo pa rin kasi nga naman ikaw din naman ang gumawa ng Move or action na yun. And take note of this, it depends kung anong move ang ginawa mo sa consequences na mangyayari. Siyempre naman di ba? Kung Win ang result eh di maganda, kung Checkmate naman (huwag naman sana hehehe) eh di better luck next time. Ganyan lang ang buhay eh, parang Chess lang yan, its either  you win or get mated.

 

So yun nga ang game na chess. So nabigyan na naman ng katuturan ang word natin, ang Move. Pwedeng may mga nagdisagree sa mga nakalagay dito. Pwedeng may mga sumang-ayon din naman kahit pa’no. 

So ngayon alam mo na, next time na you make your move, remember these three things: Have Faith, Have Hope and Take the Risk.

 

Laging Tandaan: MOVE! Coz Life Can’t Wait! hehehehe 


Posted by jalmzwords at 8:33 am | permalink

Add a comment