RELIEF
September 9, 2008Relief - alleviation, ease, or deliverance through the removal of pain, distress, oppression, etc. (www.dictionary.com)
Well, may special reason naman kaya ako nagpost ulit. Actually kaya pala ako di masyadong nauupdate itong blog ko dahil sa special reason na iyon. Ganito kasi yun, lahat ng Senior Nursing Students ay required to have their Practical Exam. At yun nga katatapos ko lang kanina, as in ngayon lang mga 30 minutes ago hehehe. Kaya naman ang lakas ng loob kong magpost ngayon kasi wala na akong iniisip. Discuss ko muna ang Practical Exam namin before yung Relief Word hehehe.
Ganito ang Practical Exam namin, uhm lahat kami ay magrereturn demo ulit sa mga past Nursing procedures namin since Second Year. Uhm isipin mo na kung gaano na katagal ang mga Porcedures na yun. Kaya naman todo kalkal ang ilan sa mga baul nila para magreview sa mga notes na nilimot na ng panahon. At yun nga, di ko ginawa ang kalkal thing hehehe. Ang ginawa ko, hinintay ko lang na magkaroon ng copies ang mga classmates ko at yun humiram lang ako hehehe. At yun na nga, palapit na nang palapit ang araw ng Practical Exam, ang mahirap nito sa araw mismo na iyon mo malalaman kung ano ang Return Demo mo. Naiimagine mo na ba? IIsa lang ang return demo namin oo pero ang nagpahirap nun eh di mo alam ang idedemo mo. Malalaman mo na alng ito sa araw mismo ng pagtutuos hehehe. Yun ang nagpahirap sa Practical Exam namin. Isipin mo na lang ang relief ko nang matapos ako kanina. Yun lang hehehe
Actually di pa tapos ang kalbaryo ko, sa kagustuhan kong humarap sa computer (sa Internet Room hehehe) nakalimutan kong may meeting pala akong dapat puntahan at di pa complete ang Relief ko! Haaay, pero ok na rin kasi nawala na ang isa sa mga nagpapataas ng Anxiety. Haay Wattah Feeling!



Glad to hear that you are back blogging! More!
Posted by neolle at September 18, 2008, 8:18 am