Look Closer. Think Deeper. Jalmz Words.

Home » Post Item » CONFUSED

CONFUSED

September 26, 2008

Confused -  perplexed by many conflicting situations or statements (www.dictionary.com)

 

Busy na naman ang sched ko, finals na naman kasi. Pero carry lang yan, kaya naman nagbibigay pa rin ako ng time para magpost dito sa Jalmzwords.

 Ok, lately talagang naguguluhan na ako. Kaya nga ito ang napili kong topic. I’m confused sa love, sa mga dapat gawin, sa uunahin at sa buhay. Ang hirap mag-isip. Ang toxic na nga ng sched eh ganito pa ang nangyayari.

 

Start tayo sa unang situation. Actually di ko na sasabihin pa yung iba kasi medyo private hehehe. Ganito kasi yun, player ako ng chess dito sa school namin. Grabe kakapagod na sports noh? hehehe At dahil nga sa Nursing student ako at nasa 4th year pa eh talagang may conflict na between my sched at yung paglalaro ko ng chess. Kaya nga naguguluhan na ako kung ano ang uunahin ko. Nagkataon kasi na sa araw ng tournament eh araw din ng final exam namin. Yan na, jan na ako naguguluhan. Ilang araw din akong natulog para mapag-isipan lang yan hehehe. Buti na lang at nakausap ko ang instructor ko at pinagbigyan naman kami na umalis na lang ng school after ng exam para makasali pa rin sa chess.

 

Well, I’m sure eh di lang ako ang may mga ganitong situation na nakakaconfuse talaga. Mas malalala pa nga yung iba di ba? Kaya naman anrito ang ilang mga tips para sa mga situations na gaya nito.

 

1. KNOW YOUR PRIORITIES

 Siyempre naman, yan ang unang step para di ka na maguluhan. Kung alam mo ang mga mas importante eh di ka na mahihirapan kung sino ang pipiliin mo. Sa situation ko, nagkataon lang na napagbigyan kami ng instructor namin kaya pinili ko ang Chess. Pero sa totoo lang eh mas priority ko pa rin ang studies ko. Sa love naman, ganun din.You should Know your Priorities. Marunong ka dapat pumili ng ginto sa mga bato.

 

2. DECIDE WISELY 

Related din ito sa una. Sa totoo lang eh wala naman sa bilis at tagal ng pagdesisyon kung tama ba or hindi ang nagawang desisyon. Ang importante eh pinag-isipan mo ang mga maaring consequences. At paano ba magdecide ng maayos? Basahin mo yung ung una hehehe.

 

3. NO REGRETS

Siyempre kung sakaling mali or di magandang nangyari sa ginawa mong action, wala ng sisihan. Total, ikaw naman ang may kagagawan niyan di ba? Kaya ang dapat mong gawin eh harapin ang mga posibleng mangyari.

 

4. BACK AT 1 

At dahil nga sa sobrang confused ka na at mali ang nagawa mong desisyon o action eh wala kang dapat gawin kundi harapin na lang ang mga mangyayari. At siyempre maguguluhan ka na naman. At kung mangyari yun, eto lang ang masasabi ko. BACK AT 1. (Meaning bumalik ka ulit sa Step 1 hehehe)

 

 

At natapos na naman ang isang walang kwentang post na galing kay jalm. Para mapunan lang ang space at masabi lang na naupdate ang blog. Well, kahit pano naman siguro eh nakatulong naman ito ng kahit kaunti lang. Till sa next na post ko! Boop Boop. 


Posted by jalmzwords at 2:35 pm | permalink

Previous Comments

I can not agree any less. I also recommend that you read the Ten Tenets. Its really useful in our daily lives.

;)

please also visit my other site A Day Called Today

Posted by neolle at September 29, 2008, 4:14 pm

geee… the links didn’t work. Ok, here it is

Ten Tenets = http://www.squidoo.com/tribuhagtik#module11057742

A Day Called Today = www.adaycalledtoday.blogspot.com

;)

Posted by neolle at September 29, 2008, 4:17 pm

thanks neolle! pag may time ako babasahin ko ang mga yan!

Posted by jalm at September 29, 2008, 5:34 pm

pwede ka ring magbasa ngmga stories ko sa STORY section ng blog na ito.

here’s the link

http://jalmzwords.i.ph/blogs/stories/

Posted by jalm at September 29, 2008, 5:40 pm

`ehem! u know when we trust god and read the bible u need not to confused.”the end of anxiety is faith”

Posted by raynne at May 13, 2009, 3:55 pm

Add a comment