Look Closer. Think Deeper. Jalmz Words.

Home » Post Item » WANT

WANT

November 10, 2008

Want -  to wish, need, crave, demand, or desire (www.dictionary.com)

 

Welcome back mga repapipz, it’s been a while since my last post. Amf. Toxic kasi ang sched at medyo naging busy kaya yun, pagpasensyahan niyo na hehehe.

 

Well, punta na tayo sa topic natin. It’s all about our wants. Ito yung mga gusto niyo, pwedeng pagkain man yan, or mga personalidad or anything na gusto niyo. Sa totoo lang manipis na ang linyang naghihiwalay sa wants and needs natin. Alam ko na alam niyo na magkaiba ang dalawang bagay na ito. Ok, balik tayo sa wants, sabi ko nga maraming mga pwedeng pumasok dito. Naisipan kong magpost about dito kasi narealize ko kaninang umaga habang nasa bus na ang dami ko palang mga wants. Pero dahil nga sa hampas lupa lang ako ehem, eh di ko nakukuha ang mga ito. Well, gusto ko lang ishare ang mga ito, kasi nga malapit na ang pasko ehem. hehehe. 

 

Here are some of my wants:

1. Food 

Oo alam ko need yang food na yan pero gusto ko lang ilagay ang mga inaasam kong kainin hehehe. Gusto ko yung ampalaya hehehe anything na luto ng ampalaya eh gusto ko. Ewan ko ba ang pait niyan pero masarap yan para sakin hehehe. Gustong gusto ko din ng chocolate grabe, well alam ko halos lahat naman tayo diba hehehe. Gusto ko din ng lechon, yummmy! Basta mga pagkaing matataba gustong gusto ko amf. Actually pagdating sa pagkain eh wala akong pinipili lahat pinapapak ko hehehe. Masakit mang sabihin eh, sabi ko nga kanina hampas lupa lang tayo kaya hanggang wants na lang ang iba sa mga yan hehehe.

 

2. Personalities 

Ang dami kong mga gustong mga personalidad grabe. Unahin muna natin yung mga crush ko. Karamihan sa kanila eh  mga locals lang pero magaganda naman hehehe. Una siyempre si Katrina Halili, Marian Rivera, Bubbles Paraiso, Aubrey Miles, Dianna Zubiri, Ynez Veneracion, Nicole of Pussycat Dolls(ang hirap ng apelyido ehhehehe) at marami pang iba, di ko na kasi maisip eh ilalagay ko pa sana hehehe.

Sa mga gusto ko naman in terms of their styles or basta gusto ko sila na personalidad eh sina Coach Yeng Guiao, ang galing niya sa pagcoach. Kung nanonood kayo ng PBA eh makakarelate kayo hehehe. Parokya ni Edgar, gusto ko din sila astig kasi eh hehehe. Balik tayo sa PBA, San Miguel din pala ang gusto kong team noon pa hehehe. Gusto ko din si Obama, maappeal kasi eh and I think he can make a difference. Sino pa ba? hmmmmm  Sige na nga No. 3 muna tayo ehehehe

 

3. Hobbies 

Siyempre marami tayong gusto dito noh hehehe. Una sa list ko ang Internet siyempre, blogging to be specific. Para sakin Internet na siguro ang Discovery of the Century hehehe. Adik naman na ako sa Internet eh wala man lang akong sariling computer amf. Nakikigamit lang ako dito sa school hehehe. Gusto ko ding hobby ang chess, tinatamad kasi ako sa mga ibang sports eh. Maganda din kasi ang chess na hobby hehehe. Pakikinig ng music, texting, panonood ng movies, matulog, kumain, tambay, matulog ulit, tumae, kumain ng canton, matulog ulit hehehe. Basta ganun un hehehe

 

4. Traits

Nagdadalawang-isip ako kung isasama ko pa ito pero dahil naitype ko na eh isama ko na din hehehe. Gusto kong ugali ng tao yung di plastic, yan ang una siyempre. Hate na hate ko yung mga plastic grrrrrr. Gusto ko din nung mga matured mag-isip na mga tao pero gusto ko din ng mga isip bata minsan depende sa mood hehehe.Gusto ko ng mga masiyahin na gaya ko. Halos lahat ata gusto ko except sa isa. Ayoko sa mgha taong MAAT, maarte, epal ayna. Grrrrrr Hmp sige last no. na nga,

 

5. Others

dito na papasok yung mga di napasama sa mga categories na nasa itaas hehehe. Gusto ko ang RED, obviously. Gusto ko ang #7, letter J and B, Pokemons (adik ako dun hehehe), GMA 7 (kapuso ako ehehehe), Love stories, Comedy. Wala naman na akong maisip amf.

 

At marami pang iba hehehe. Napapaisip ka na din siguro ng mga gusto/wants mo. Kung gusto mo ding mabasa ng iba at tawanan, alipustahin at kung ano ano pang gawin ng iba sa mga WANTS mo, eh di ipost mo hehehe. Yan nga ang mga gusto mo diba? Paki nila? hehehehe 

Posted by jalmzwords at 5:05 pm | permalink

Previous Comments

.`ehem!(bah! nakgaya ba naman?)ok lang naman ito,marami akong mga hate sa mga wantsetc.mo
But u know like korin si coach yeng(biruin mo ang calm nia pagmay games sila,di man lang sya sumisigaw noh!)By the way ginebra fan ako eh(sorry)pero ok na rin un !(sister company naman cla dba?)

Posted by raynne at May 13, 2009, 3:47 pm

ehem!by the way ano coarse mo pala? (k lang pag wala reply)

Posted by raynne at May 13, 2009, 3:49 pm

nursing ako graduate na rin sa wakas hehehe, kaw? tnx pala sa pagvisit mo ng site ko!

Posted by jalm at May 21, 2009, 7:44 pm

Add a comment