THE GOAT
November 28, 2008Goat - di siya kabilang sa mga sheeps hehehe (jalm)
Wala akong mahanap na magandang definition ng goat sa dictionary.com kaya ganyan na lang hehehe.
Anyweiz, naisip kong magpost ng about dito kasi naisipan naming magMASS ako nung last Sunday.
Now may idea na kayo kung sino ang mga Goats na tinutukoy ko. Akalain mong nagkalat pala sila di lang sa mga bukirin kundi kahit saan kahit sa loob pa mismo ng simbahan. Ikwekwento ko na lang ang ilan sa mga nakita ko sa Mass last Sunday. (BTW, yung sermon pala ng pari eh nagkataon naman na about sa Goats and Sheep hehehe)
Ok, ganito kasi yun. After ng review namin eh napagisipan naming magMASS. Eh di siyempre go naman ako diba? Sa loob ng simbahan, yan na, nagkalat ang mga kambing. Nagsermon ang pari about sa mga Sheeps o yung mga mababait na nilalang at dun sa mga Goats na sabi ko nga eh di kabilang sa mga sheeps hehehe. At habang nagsesermon si father, ayun nakakita ako ng gma Goats. Well, bakit ko sila nasabi bilang mga Goats? Kasi for me eh di nila ginagawa yung dapat. Heto sila: during the mass, may isang pulubi na humihingi ng limos sa loob ng simbahan. Eh di siyempre, naunahan pa niya yung mga nangongolekta ng donations diba? hehehe At nagkataong tumapat siya sa isang matandang babae na mukhang mayaman. (todo alahas kasi eh at magara ang damit hehehe, la lang feeling ko lang eh mayaman siya) At nagulat ako at dun lang siya nagtagal ng ganun sa lahat ng linimusan niya. Siyempre nagobserve ako. Mga ilang seconds din siguro yun. Nang napansin ko na lang na ang babaeng mayaman pala eh natutulog. tsk tsk tsk. Bakit dun siya natulog? Haayz. Di na nga nabigyan ng limos ang pulubi, di pa nakikinig sa sermon ni father. Magbago ka! tsugz!
Second The GOAT!!! Well, di ko sure kung pwede siyang masali sa The goatz ha. Parang may topak din kasi ang mamang toh. Ganito ang nangyari. After ng sermon eh tumayo ang lahat. Pero bago pa nakatayo ang lahat eh nauna nang tumayo ang mamang ito. Sa pagkakaalam ko eh di naman obliged tumayo ang lahat eh. Nakatayo siya habang nakaspread ang dalawang kamay na parang CROSS ang shape. Tinanong ko tuloy ang katabi ko kung anong ginagawa nun. Kung part nga ba ng ritwal or whatsoever yung ginagawa niya. Wala naman daw sa practice yun. Kaya naisip ko tuloy na may topak nga tong taong toh. Kaya ngayon di ko sure if kasali nga ba siya sa mga The GOATZ. Kayo na lang ang humusga.
Thrid THE GOAT!!! Masakit mang sabihin eh kasali din ako sa mga The GOAT. Bakit? Kasi imbes na makinig sa sermon at sa misa ni father, ang tanging ginawa ko lang eh magobserve at kumutya at maghanap ng mga kapwa ko kambing. Nakakatawa mang sabihin pero totoo, di ako nagbehave as a sheep during that time. Kaya dapat huwag niyo akong tularan ok! Kapag nasa Church, kahit sang religion pa yan, behave ka dapat. Respect lang naman ang kailangan. Huwag matulog, magpakabaliw, mangutya or ano pa yan na kakambingan. Understood?
At yun nga, nagkalat ang mga Goat. Mag-ingat na lang at maging observant. Malay mo, di ka pala Sheep kundi isang Black Sheep hehehe. I mean isa ka palang GOAT!!! Hmmmmmm



