Dormant
March 1, 2008Dormant - in a state of rest or inactivity (www.dictionary.com)
(Kung mapapansin niyo ay red ang font natin ngayon, wala lang hehehe)
Ok going back to the word DORMANT or the state of inactivity. Ito yung mga time na wala tayong nagagawa. Yung tipong ang daming pwedeng gawin pero talagang kahit anong gawin mo ay wala ka talagang magagwa. Di ka naman tamad gaya ni jalm pero inactive ka. And I think naramdaman mo na rin yan. Gaya ngayon, ang tagal na wala akong post sa blog na ito, ang dami pa namang nag-aabang hehehe joke. Yung mga iba naman kahit malapit na ang deadline wala pa ring ginagawa. Bakit nga ba tayo nagiging DORMANT minsan? bakit? Bakit? Ok here are some insights from jalm kung bakit ang tao minsan ay nagiging DORMANT or inactive.
(more…)
"B"
February 17, 2008"B" - isa sa pinakamagandang letter sa alphabet aside from "J" hehehe (www.jalmzwords.i.ph)
Kakaiba ang post na ito kasi letter lang po ang ididiscuss natin. Ang letter "B". Kakaiba kasi ang letter na ito. Let’s see kung anong rason kung bakit napili ni jalm ang letter na ito. Ang letter "B" kasi means a lot of things. Ok punta tayo sa medyo korni pero sweet naman. Letter "B" is special because:
(more…)
THANKS
February 14, 2008THANKS - to express gratitude, appreciation, or acknowledgment to (www.dictionary.com)
Simple yet so sweet. I think napapanahon na rin siguro ang word na ito for me. Ito na ang panahon para magpasalamat ako (since 1 MONTH na po ang blog ko na ito yehey) sa mga taong bumbisita, nagbabasa, nagcriticize, nagcomment, nagsuggest at sa mga di pa navivisit ang site na ito kahit minsan, a million trillion billion thousand (ano pa ba) THANKS to all of you. Ngayon isaisahin natin ang mga taong ito. JALM would like to express his gratitide, appreciation, or acknowledgement to the following:
1. WWW.DICTIONARY.COM
Siguro napapansin niyo sa start ng bawat posts ay may mga definitions from dictionary.com. Gusto kong magpasalamat sa’yo dictionary.com o kung marami man kayo, sa lahat ng mga tao sa likod ng website na ito. Malaking tulong po ang mga definitions niyo para sa aking blog. Buti na lang at di ko na kailangan pang magbasa ng Webster hehehe. Sa lahat kasi ng sites na vinisit ko uhm dictionary.com ang pumasa sa standards ko hehehe. Dahil jan makakatanggap ka ng limang THANKS!!!!!
THANKS THANKS THANKS THANKS THANKS!!!
2. SA MGA NAGBASA AT NAGCOMMENT
Ang pagbabasa na siguro ang isa sa mga pinakamahirap na gawain ngayon. Hay naku napatunayan ko na iyan, ang dali kong antukin pag nagbabasa ako hehehe. Kaya naman gusto kong pasalamatan ang mga taong nagtiyaga sa pagbabasa ng mga posts ko. Kahit na medyo may kakornihan eh pinilit niyo pa rin kahit paano. THANKS sa oras na ginugol niyo sa pagbabasa ng mga nakakatawa na korni na nakakabwisit na nonsense na ano pa ba (paki-isip na lang) na mga posts ko. At dahil jan makakatanggap ka ng tatlong THANKS.
THANKS THANKS THANKS!!!
3. SA MGA NAGCRITICIZE AT NAGSUGGEST
Maraming salamat sa mga taong nagcriticize at mga nagsuggest sa blog ko na ito. Malaking tulong po ang ginawa niyo kahit masakit minsan sa kalooban ko hehehe. Ngayon alam ko na kung san ako magfofocus at mga dapat na iwasan ko. Dahil jan makakatanggap kayo ng tatlong THANKS.
THANKS THANKS THANKS!!!
4. SA MGA DI PA NAKIKITA O NAHAGILAP MAN LANG ANG SITE KO
Salamat na rin sa inyo. May araw din kayo akala niyo ha. Mavivisit niyo rin ito hehehehe. Ang hirap kayang mahuli sa uso hehehehe. At para di ka mahuli sa bagong sikat na site ngayon, visit mo na!!! Uy yung mga nakavisit naman na eh ishare niyo naman sa iba para namn di sila kawawa. Eto ang site isulat niyo at itatak sa utak niyo: www.jalmzwords.i.ph Oh yan ha alam mo na. Since di mo pa nga nakikita o nhagilap man lang ang site ko isang THANKS lang para sa’yo. (Pagtiisan mo muna hehehe)
THANKS!!!
5. SA INSPIRASYON KO
Actually, kung nabasa niyo na ang Jalmzwords’ Word of the Year (di ko sasabihin kung ano magbasa kayo ehehehe) may isang tao na naging inspirasyon ko para magawa yun. Basta mahabang kwento hehehe. Dahil jan makakatanggap siya ng limang THANKS at maraming exclamation point!!! hehehe
THANKS THANKS THANKS THANKS THANKS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
6. AT SILA NA HINDI NAMAN KASAMA SA MGA NABANGGIT!!!
Kasama dito ang Internet Room kung saan ko ginawa ang blog na ito, THANKS, sa mga Internet Cafe sa labas (basta nagpost na rin ako gamit ang units nila hehehe) at by request itong katabi ko dito sa Internet Room hehehe nakikibasa kasi siya habang itinatype ko itong post na ito hehehe, THANKS Ms E, at sige na nga IKAW na kasalukuyang nagbabasa ngayon sa mga sandaling ito. As in ngayon, IKAW, hehehe, THANKS to you. Dahil sa di nga kayo napasama sa mga nabanggit sa itaas, makakatanggap kayo ng dalawang THANKS.
THANKS THANKS!!!
Hay sa wakas nakapagpasalamat na rin. Sana di kayo magsawang magbasa sa blog ko na ito. Kung may mga "words" kayo na gustong mapasama sa blog na ito sabihin niyo lang. THANKS ulitz. Enjoy Reading!!!
Laging tandaan: Simple yet so Sweet. (jalm,2008)
UNITED
February 5, 2008UNITED - to join, combine, or incorporate so as to form a single whole or unit. (www.dictionary.com)
Ok, gaya ng nirequest ng isa sa mga readers ng site na ito, eto na jalmzwords’ UNITED.
Bihira na yata ngayong mangyari ang sinabi ng dictionary.com about UNITED or unity. Iilan na lang ang nagcocombine ngayon to form a single unit. Ok let’s take this example, may isang section sa isang respetadong institusyon (di ko na sasabihin kung anong course hehehe) ang may uniform na sabi, UNITED. Wow, ang gandang uniform di ba? Well, napagalaman kong hanggang sa uniform lang pala. Bakit? Dahil ang section na ito
(more…)
UNKNOWN
January 24, 2008UNKNOWN - "not known to exist" (www.dictionary.com)
"Some are meant to be known,
some are remembered,
some are forgotten.
And some are gone, yet, they’re still UNKNOWN"
Yan ay isa sa aking mga tula para sa mga UNKNOWN or sabihin na lang nating "Unnoticed". Ang mga UNKNOWN ay mga tao o mga bagay na di natin masyadong binibigyan ng pansin. Pwedeng di pa natin nakikita ang kanilang halaga o di kaya’y di sila nageexist sa ating paningin. Here are some of the things na according to jalm ay di natin
(more…)
DEBT
January 17, 2008DEBT - something that is owed or that one is bound to pay to or perform for another (www.dictionary.com)
Sa madaling salita, "utang". Yan ang hinding hindi maiiwasan ng mga tao. Mga bagong panganak na nga lang eh may utang na. Pera or "loob" man yan, as in "utang na loob", matatawag pa rin yang DEBT.
Nakakahiya ang may mga utang or DEBT. Kapag andiyan na ang taong naniningil ng ating utang, naku kung saan saan tayo nakakapunta para lang takasan siya. Meron din namang sobrang kapal ng mukha at naglalakas loob na harapin ang katotohanan na may utang siya sabay sabing "wala pa akong pera ngayon mare pwede bang bumalik ka na lang sa ibang araw?". Hay naku, Pilipino nga naman, di nawawalan ng paraan. Hindi naman tayo magkakaroon ng problemang ganito kung alam natin ang ating ginagawa. Here are some tips from jalm para maiwasan ang
(more…)
PLEASURE
PLEASURE - enjoyment or satisfaction derived from what is to one’s liking; gratification; delight. (www.dictionary.com)
according to one of our instructors, "more pleasure means more sin". And i think tama siya. Our "id" (kasama po niya ang EGO, SUPEREGO tapos pangatlo ang ID) is the "pleasure principle", it is the source of our demands to satisfy our wants para makamit natin ang PLEASURE. At masasabi ko na ang sobrang id ay nakakasama rin. Magiging selfish tayo kasi nga tanging kagustuhan na lang natin ang ginagawa. Let’s go back sa quote na ito, "more pleasure, more sin", paano nagkakaroon ng sin sa ating mga PLEASURES. Here are some insights from jalm regarding this qoute:
(more…)
ADAPT
January 15, 2008ADAPT - to adjust oneself to different conditions, environment, etc.(www.dictionary.com)
Isa ito sa dahilan kung bakit maraming di nagkakasundo. Karamihan na kasi ay di marunong magadjust to different conditions, environment atbp as state above. Hindi sila marunong bumasa ng mga situwasyon. Kung sino at ano sila ay yun, as in yun na sila. Di sila marunong makiblend sa kanilang environment. Di ko naman sinasabi na pangit ang magpakatotoo. Totoo nga naman kung ano at sino ka yun ka na as in yun ka na. Pero di ba mas magandang mag adjust ka konti kung di na angkop ang iyong pagiging "totoo" sa sarili mo? May mga tao kasi na masyadong mataas ang ID nila or the "pleasure principle". They cannot delay gratification. Di sila marunong maghintay. Ang tanging gusto lang nila ay maGratify ang needs and wants nila at di na nila iniisip ang iba. Sila yung mga taong may "I-want-it-NOW" attitude. Kaya kadalasan kapag di nasunod ang gusto, nagkakaroon ng conflict sa mga kabarkada, classmates or officemates. Ito yung mga taong nahihirapang bumuo ng magandang relationship with others for they do not know how to ADAPT. Here are some tips from jalm kung kailan natin
(more…)
RESPECT
January 14, 2008RESPECT - "the condition of being esteemed or honored" (www.dictionary.com)
Yan ang definition ng dictionary.com sa salitang respect. And believe it or not, yan ang napili kong word of the year.
Sa totoo ang, marami sa mga tao ngayon ang nakalimot na sa word na yan. Wala na tayong RESPECT sa mga nakakatanda, sa mga private properties, walls, cr, pera, leaders, human rights at pati sa sarili natin ay nawawala na rin ang RESPECT. Here are some tips from jalm kung paano natin
(more…)



