SUNDO
July 30, 2008
Tatlumpong minuto na ang lumipas.
Pauwi na si Lucila galing sa kaniyang duty sa ITRMC. Pangatlong gabi na niya ngayon mula sa panggabing duty niya bilang isang student nurse. Mag-isa na lang siya sa bus stop, nakauwi na rin kasi ang mga classmates niya. Siya lang ang pumupunta pa ng bayan para maghintay ng bus pauwi ng Rosario, huling bayan ng La Union sa timog. Malapit nang mag-alasdose ng gabi di pa rin siya nakakasakay.
(more…)
IF ONLY
March 2, 2008If Only
by jalm
"Asan k n? Knina pa aq d2. Cge w8 kta ng 30mins, kng wla
k p alis n aq, ok", text message ni Myrna sa super crush niyang si Troy. Ilang oras na kasi siyang naghihintay sa waiting shed na tapat ng school ni Troy. Magkikita sana sila pero gaya pa rin ng dati, di na naman sumipot si Troy.
(more…)
ULAN
February 24, 2008Malakas pa rin ang ulan. Nagiisa si Dianne sa waiting shed. Katatapos lang ng klase nila. Ginabi na siya sa pag-uwi sa paghintay na tumila ang ulan. Mga ilang minuto na rin siya dun, tuloy tuloy pa rin ang bagsak ng ulan.
(more…)
Samaritano
Mahaba pa ang lalakarin. Gabi na naman. Patuloy pa rin ang paglalakad ng mag-amang Jessie at Rj. Di alam kung saan tutungo. Matapos baklasin ang kanilang bahay sa ilalim ng tulay nung isang linggo ay naging ganito na ang kanilang buhay, palakad lakad. Naglalakbay sa mundo ng mga "Samaritano".
(more…)
Modern Stories
Anong bago sa jalmzwords? Well ito ang "Modern Stories". Halos lahat ngayon ay moderno na. Pabilis na nang pabilis ang lahat. Paliit na rin nang paliit ang lahat. Mga cellphone, kotse, computer, mga damit (hehehe joke) at pati mga Short Stories. Short na nga pinaShort pa. Ito ang "Modern Stories".
Ano ang difference nito sa mga stories na nabasa mo na?
Ang mga "Modern Stories" ay maiikli lang. Di siya ganun kahaba pero andun na yung buong sense ng story. Kumbaga yung ikwekwento mo sa isang book ay pwede mo ng mabasa sa isa o dalawang paragraphs lang. Sa totoo lang mas mahirap gawin ang mga ito kasi nga dapat simple at walang sasayangin na sentence. Simple lang pero may dating ika nga. So, kung may mga short stories tayo ngayon, may mas shorter pa, yan ang "Modern Stories"
Bakit nagawa ang "Modern Stories"?
Masyado ng dumadami ang mga tamad ngayon. Sa totoo lang si jalm ay isa sa kanila. Kaya naman ang "Modern Stories" ay bagay na bagay sa kanila. Sa mga tamad kasi na gaya ni jalm, mas gusto nilang magbasa ng mga maiikli lang. Habang mabilis ang modernisasyon, patamad naman nang patamad ang mga tao. Dahil sa mga taong tamad na ito, naisipan ni jalm na gawin ang mga "Modern Stories".
Ano ano ang mga "Modern Stories"?
Kahit ano ay pwedeng maging "Modern Stories". Basta ang importante ay maikwento mo siya sa pinakamaikling paraan. Pwedeng drama, comedy, horror at mga love stories. Kahit ano pwede, basta story siya.
Gaano kaikli ang "Modern Stories"?
Yan din ang tanong ni jalm, gaano nga ba kaikli ang isang kwento para maituring na "Modern Stories" siya. Well nasagot naman niya. Ang isang kwento ay "Modern Story" kung naikwento siya sa pinakamaikling paraan. Kung di ka pa sigurado kung maikli na nga ang story na iyon, tanungin mo na lang ang mga tamad, sila na ang magsasabi kung masyado bang mahaba ang kwento o hindi.
At yan nga ang mga "Modern Stories" ni jalm. "A Modern Story in a Modern World! Jalmzwords!!!"
UNSAID
February 17, 2008Unsaid
by: jalm
Andiyan na siya.
Nag-iiba na naman ang pakiramdam ko. Ewan ko ba, ba’t ganito ako pag anjan siya. Medyo tumataas na naman ang BP ko. Ang dilim dilim na ng mga nakikita ko. Ang sikip. Pati ang dibdib ko at puso parang sumisikip na rin. Lumalakas ang tibok ng puso ko pag anjan siya. Pero ba’t iba ngayon? Parang di ko siya naririning tumibok. Pero parang mas magaan ang pakiramdam ko ngayon. Basta, di ko maipaliwanag. Ano bang meron siya at nagkakaganito ako? Medyo umiinit na rin dito. Ano ba!!!? Relax lang Francis, si May lang yang lumalapit. Relax, ok be calm. Pero iba eh. Di naman ako ganito dati ha. Kailan nga ulit nagsimula itong nararamdaman ko? Uhm, alam ko na. Nagsimula ito nung Community Service namin. Ah oo, naalala ko pa yung mga sandaling yun…
(more…)


